Sabado, Agosto 27, 2022

Bakit Ako Gumawa ng Blog?

Hindi ko rin alam. Siguro para makita ang progress ko as a 'writer' (wews, writer ba talaga?). Pumasok ako sa UP na may hawak na degree Associate in Arts in Malikhaing Pagsulat. Passion ko ang pagsusulat. Pero bago ko matuklasan ang pagsusulat, may isang porma ng sining ang nag-introduce nito sa'kin: film. Noong 2016, wala pa sa ulirat ko na gusto kong magsulat. Ang pangarap ko noon mag-aral ng pelikula at makabuo ng pelikula. Lalo na sa UP Film Institute. Naririnig ko nanonood sila ng mga arthouse fims, indie films, at films na hindi pinapanood ng marami. 

Fast forward noong 2020, madalas akong nanonood ng iba't ibang pelikula sa cellphone bago matulog. Luca Guadagnino, David Lynch, Woody Allen, Lino Brocka at iba pa. Dahil pandemya, pinagpatuloy namin ang pag-aaral sa loob ng aming bahay. Graduating year ko na sa UE. Naaalala ko noon, mayroong isang subject na nag-require sa'min na gumawa ng isang short film (1-2 minutes ang haba) para sa isang patimpalak. From all strands at tracks sa senior high school ang kasali. Dahil mahigit 45 kami sa loob ng isang online na klase, pinaghati-hati kami sa limang grupo. Aniya ng guro, isa grupo lang ang makukuha upang mare-presenta ang seksyon. Naisip ko, kailangan kong galingan upang patunayan ang pangarap ko bilang isang mahusay na filmmaker. In the end, hindi nakuha ang pangkat namin. Noong mga araw na 'yon, nalungkot ako of course at dahang-dahan nang nawala ang pagmamahal ko sa pelikula.

Gayunpaman, naghanap ako ng lunas na puwede pagalingin sa'king depresyon. Ito ang pagsusulat. May subject kami na Creative Writing at Creative Nonfiction. Binuhos ko lahat ng frustrations at creative juices ko ron. Ang dami kong natutuhan. Nakita kong nagkakaroon ng progress ang aking panulat. Matataas din ang nakukuha kong marka. 'Ka ko, mag-creative writing na lang kaya ako sa kolehiyo? At ginawa ko nga. Nag-apply ako sa UPCA ng grades. Hindi pumasa. Nag-apply ako ng talent test sa DFPP. Hindi ako pumasa nung una, pero pumasa ako sa waitlisting. Awa ng Diyos, naging iskolar ako sa pamilya namin. Bulong ko sa sarili, bagaman hindi natuloy ang pag-aaral ko ng pelikula, at least ang pagsusulat ko ang sumagip sa'kin. Ang pagsusulat ko ang nagpatunay na may halaga pa pala ako bilang isang artista. 

However, nagbago paunti-unti ang istilo ng pagsusulat ko. Kung noon, palaging tungkol sa magjowa at sa pagiging supot; ngayon, ginagamit ko ang aking talento para sa bayan. Maganda ito ang hangaring ito. Sabi ng professor ko na si Prof. Vim Nadera, kailangang angkinin ng bayan ang sining mo at kung hindi, wala itong halaga. Tama siya. Kaakibat din non, kailangan ang pagsusulat ay hindi labanan nang palaliman ng mga salita. Paanong maiintindihan ng isang magtataho iyan? 

Gumawa ako ng blog hindi lamang makita ang progress ko kundi maibahagi sa tao ang mga karanasan at natutuhan ko bilang isang estudyante, kapatid, kaibigan, anak, at tao. Nais ko rin ibahagi sa blog na 'to, ang pagmamahal ko sa sining in general. Siguro ito lang ang gusto kong sabihin for now. Marami pa akong isusulat soon. Watch out lang kayo. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

The Sad Truth of Pampanga: A Christmas Experience

My siblings and I were planning to spend Christmas in Pampanga (Clark). My older sister booked a condo via Airbnb. It was called the D'H...