#1
Sardinas
laging bitin
Ayuda
kulang pa rin
Ma, ano ulam natin?
#2
'Wag
daw tayong lumabas
Ngunit
anumang batas
Ang baboy nakatakas
#3
Ang
bayan kong nasawi
Mga
buhay umiksi
Mundo’y nagdalamhati
#4
Sa
bagsik ng pandemya
Milyong
tao’y nagdusa
Niyurak ang pag-asa
#5
‘Di
man kita masulyap
Sa
piling hanap-hanap
Ang screen lang mayayakap.
#6
Ang
sinumang lumapit
Sa’king
bukad na bibig
Sa burol ihahatid.
#7
Walang
lasa’t pang-amoy
Pagkaing
sa abuloy
Tatapon na lang tuloy
#8
Nanay
naging maestra
Ang
klasrum na sa sala
Bahay naging eskwela
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento