Pumanaw ka, adik, subalit ang banal na shabu,
Ay nagpapasunog sa'yong kaluluwa;
At kapag ang mga asul ay kumatok sa'yong tahanan,
'Wag ka nang magtataka.
O bukal na Presidente, walang awa sa mga tao!
Yakapin mo't pangarapin silang maubos,
Habang ika'y nagsasaya't nagmumura,
Milyong Pilipino ang nagdudusa.
O Banal na dugo't bala,
Na dumadaloy sa madilim na eskinita,
Bilang dakilang demonyo sa kaawa-awa,
Ako'y nananalig sa'yo.
Litrato mula sa: Amnesty International

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento