Martes, Abril 19, 2022

Sampung Utos ng Recto



Mahalagang lugar sa akin ang Recto. Hindi ko alam kung bakit pero madalas kong naririnig kay Ate na maraming nangyayari kababalaghan sa maliit ng bahagi ng Maynilang 'yan. Nag-aral siya sa UE-Manila, kung kaya mapagkakatiwalaan ko ang anumang sabihin niya hinggil sa lugar-- Maingay, nakakatakot, at marami palaging tao-- Sabi niya kapag napadaan ka sa ilalim ng LRT-2 Recto Station, bigla raw mawawala ang cellphone, pitaka, shoulder bag, at iba pang bagay na matingkad sa paningin. Kahit siya'y muntikan nang maging biktima. Dapat isaalang-alang ang 10 utos na ito kapag nakarating ka sa Recto:

1. Ilagay sa lahat ng oras ang mga gamit sa loob ng bag. 

2. Isuot sa harap ang bag sa halip na nasa likod.

3. Kapag hindi kinakailangan, huwag ilalabas ang mga gamit gaya ng cellphone atbp.

4.  Maging alisto sa kapaligiran. Lalo na't maraming sasakyang tumatawid at mga taong "nag-aabang".

5. Kung maaari, huwag tumabi sa mga crowded na lugar.

6. Kung maaari, huwag dumaan sa madilim na parte ng Recto (partikular sa ilalim ng Recto Station papuntang Isetann)

7. Lakasan ang loob at makipagsiksikan kung kinakailangan.

8. Huwag mong titingnan sa mata 'yung mga gumagawa ng pekeng notaryo (biktima nila 'yung  may hawak palagi ng envelope [partikular nakaipit sa braso] at mukhang nagmamadali palagi.)

9. Huwag dumaan sa Recto 'pag sapit ng gabi. (10PM hanggang bukang liwayway) At saka wala ng dyip mula Quiapo papuntang Balic-Balic.

10. Huwag maging tanga.


Photo Credit kay: Paul Russell Parker III | Twitter: @prp3theauthor

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

The Sad Truth of Pampanga: A Christmas Experience

My siblings and I were planning to spend Christmas in Pampanga (Clark). My older sister booked a condo via Airbnb. It was called the D'H...