Sabado, Disyembre 3, 2022

Kapangyarihan para sa Lahat: Triangle of Sadness (Review)

Unang pelikula na napanood ko kay Ruben Östlund ay ang Triangle of Sadness.  Hindi ko siya kilala, bukod nga sa nanalo siya ng Palme d'Or sa Cannes ngayong 2022. 'Yon lang. Nagkaroon ako ng semi-matinding pagsasaliksik sa kaniyang filmograpiya. Pinanood ko yung trailer ng The Square at okay naman siya. Interesting. Bakit ko ba papaanoorin ito? Sa totoo lang, dahil nanalo siya ng prehistiyosong award para sa pelikula, napagtantuhan ko na tingnan kung deserve niya ba ang gantimpala.

Pinanood ko yung pelikula sa Cinema '76 diyan sa Tomas Morato. Micro cinema siya kaya maganda 'yung ambience kasi bukod sa maliit lang siya ay konti lang nakakaalam ng lugar. Minsan kasi pinipili ng mga Pilipino na manood ng sine sa malls. At dahil nakita ko na P390 na ang tiket sa pelikula sa Trinoma, sinabi ko sa sarili ko na "Tangina. Cinema '76 it is." Binibigyan ko na ang sarili ko ng pabor tutal nasa bucket list ko na rin ang manood dito.

Sa simula ng pelikula, "Act. 1: Carl & Yaya" na-expose ako sa acting ni Harris Dickinson at Charlbi Dean. Uulitin ko, hindi ko sila kilala, ito 'yung unang pelikula na napanood ko sila. Naiintindihan ko 'yung sentimentiento ni Carl dahil bukod sa siya ang hindi kumikita ng malaki sa kanilang dalawa ni Yaya, tama rin ang kaniyang motibo na bumaklas sa steryotipikong pagtingin na binuo ng lipunan para sa lalake at babae. Naging problema sa kanila ang pera. Naging problema kay Yaya ang marahas na pag-akto ni Carl. Naging problema ni Carl ang salik na ito sa punto na parang bumibigay na siya. Pero dahil 'yon lang ang abot ng makakaya nila, pinipilit niyang kumapit. 

Alam ng manonood na hindi sila stable. Hind sila perpekto sa isa't isa, pero dahil kailangan nila ang bawat isa, wala silang choice kundi manatili. Manatili kahit masakit sa bulsa. 

Para sa Act 1, bibigyan ko ito ng 2.5/5 dahil hindi ko alam kung paano sila napunta sa yacht (Act 2.)

Pangalawa, "Act. 2: The Yacht". Allegorical kung tutuusin ang yacht. Sa itaas, nandito ang mga pasahero na pinupunuan ng mga mayayaman at kapitalista. Abot nila ang langit. Nasisinagan sila ng araw. Madali at accessible sa kanila ang bagay dahil sa mga katulong. At nakakatikim sila ng comfort. Samantalang nasa pinakababa ang working class. Kabaliktaran ng mga mayayaman ang mga trabahador na nasa baba.Sila ang nagfu-function ng barko.  Hindi sila nasisinagan ng araw. Masikip at makitid ang espasyong nagagalawan nila. Sila ang naghahanda ng pagkain para sa mga pasahero. Sila ang naglilinis at gumagawa ng comfortability para sa mga mayayaman. Masasabing 'hindi pantay' sa lente ng Marxismo ang arkitektura ng mga tao sa yacht subalit hind ito masisisi dahil sa stability na mayroon silang dalawa. 

 Nagustuhan ko na karamihan sa mga "in-power" sa pelikula ay white, samantalang mga "asian" at "hispanic" ang alipin ng mga may power. Masisingit dito ang 'racial discrimination'.

Sa kabilang banda, tumatak ang eksena sa akin ni Jorma, na ginanap ni Henrik Dorsin, na nag-iisa sa yacht. Isa siyang mayaman, at ayon sa pelikula, binenta niya na ang kaniyang kompanya. Kung tutuusin, kaya niyang bilhin ang buong yacht para sa sarili. Pero kapansin-pansin ang kaniyang 'loneliness' noong gabing umiinom siya at pinagtitripan nina Carl at Dimitry. Pumapasok dito ang katagang "you can't buy happiness".  

Ang pagganap ni Woody Harrelson at Zlatko Burić ay ang nagbukas sa akin ng interes na idagdag ang Marxismo, komunismo, at kapitalismo sa sanaysay. Ironic dahil walang contrast na nagaganap sa kanilang dalawa sa halip naging dynamic pa. Bahagi ito ng nais ipahiwatig ni Östlund. Sa Act.2 naganap ang lahat ng nakakatawang eksena. May sumasabog na tae, sumusuka, sails, at yung mga maliliit na inggitan nina Carl at Yaya. Mga 4/5 ang ibibigay ko dahil sa ganda ng cinematography. Switch at pan. Pati 'yung zoom shots. Okay naman ako sa dayalog pero 'di ko makita rito yung pagiging "katawa-tawa" ng pelikula.  Hindi ko rin nagustuhan yung ending dahil feel ko hindi nabigyan ng pagkakataon ang roles nina Woody Harrelson (Captain), Sunnyi Melles (Vera), at Arvin Kananian (Darius).

Ayon sa isang interbyu ni Östlund, bahagi ng naratibo ng pelikula ang pintasan ang mga naghaharing-uri. Sa huling act na "The Island' ay nagbuo ng malaking impak at twist para kay Dolly de Leon. Siguro ito rin ang nag-udyok sa akin na manood at sa mga ingay sa kaniyang husay na pagganap. Sa totoo lang, hindi ko ine-expect na gano'n ang mangyayari sa role ni de Leon na si Abigail. Isang toilet manager sa yacht na naging "captain" sa island matapos maging "bayani" sa mga na-stranded. Nagugustuhan ko 'yung pagtutubos na naganap sa kaniyang karakter. Muli, allegorical sa hanay ng mga working class ang magkaroon ng malaking kapangyarihan upang supilin ang mga nasa kapangyarihan (mayayaman). 

Ang huling act ang nagbigay sigla sa akin na tapusin ang pelikula. Nagbuo siya ng interes sa tambalani ni Abigail at Carl, kung saan ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihan bilang instrumento na makuha ang kaniyang kailangan, sex. Hindi ba ganito rin ang ginagawa ng mga nasa kapangyarihan? Naalala ko ang anak ni DOJ Secretary na si Jesus Remulla na mayroong naganap 'exception to the rule' matapos kilalanin na drug user. Hindi ito pantay para sa mga Pilipino dahil sa natatanging korupsyon na nangyari. Madali para sa mga nasa "taas"ang makamit ang kanilang hustisya samantalang mahirap makamit para sa mga nasa laylayan. Metaporikal ang tambalan ni Abigail at Carl para sa nakapagkamit ng kapangyarihan at ginagamit para sa personal na kapakinabangan.

Dito maitatama sa pelikula na lahat ng karakter ay mayroong 'dire need of power'. Makikita ito sa pagmamanipula ni Yaya kay Carl, ni Vera sa mga trabahador ng yacht, ni Captain kay Paula, ni Paula sa mga nakakababa sa kaniya, at ni Abigail sa mga kapwa niya na-stranded sa island. Lahat ng karakter nagpapatayan para sa 'power'. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang labels. At hanggang namamayani ang ganitong kaisipan, mananatiling mayroong naghihirap at nagpapahirap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

The Sad Truth of Pampanga: A Christmas Experience

My siblings and I were planning to spend Christmas in Pampanga (Clark). My older sister booked a condo via Airbnb. It was called the D'H...